Ipinamalas muli ni Lebron James ang kanyang hindi matatawarang galing sa paglalaro ng basketball matapos nitong malampasan ang record na itinala ni Kareem Abdul – Jabbar at tuluyan nitong nasungkit ang titolong National Basketball Association all-time scoring leader.
Ito ay matapos umiskor si James ng 38 points para sa kanyang team na Los Angeles Lakers sa laban nito kontra sa katunggaling Oklahoma Thunder habang nabigo namang ilampaso ng Lakers ang Thunder sa score na 133-130.
Nalampasan ni LeBron James ang record na hawak ni Abdul-Jabbar mula pa noong Abril 1984 at ipinoste nito ang kanyang score record sa 38,390 points.
Ang naturang makasaysayang laro ni James ay pinanood mismo ni Kareem Abdul-Jabbar na nakaupo sa isang baseline seat na malapit sa bench ng Lakers.
Sinaksihan rin ito ng kanyang pamilya kabilang na ang kanyang Ina, asawa at kanyang mga anak.
Nagpahayag naman si Lebron ng pasasalamat sa kanyang pamilya , kaibigan at sa lahat ng kanyang mga fans sa patuloy nitong pagbibigay ng mainit na pagsuporta sa kanyang karera.