-- Advertisements --

Pinalawig pa ni Lakers star Lebron James ang kanyang excused absence.

Pagkatapos ito ng hindi paglalaro sa unang game ng season noong nakaraang Linggo dahil sa sore foot at ngayon ay hindi rin maglalaro laban sa Memphis Grizzlies sa Crypto.com Arena, Los Angeles, California.

Nababahala ang ilang miyembro ng Lakers dahil hindi mahihirapan silang maglaro ng matagal na wala si Lebron.

Ipinaliwanag ng head coach ng Lakers na si JJ Redick na may nakapaloob na personal reasons sa excused absence ni James.

Si Lebron na superstar ng Lakers, ay magdiriwang ng ika-40 na kaarawan sa December 30 at naiintindihan ng koponan ang kaniyang kalagayan.

Napansin ni Redick na nakakaranas ng labis na pagod si Lebron kamakailan.

Tinanggihan ng Lakers ang mga trade rumors dahil may no-trade clause si Lebron.

Hindi siya maaaring i-trade maliban kung hilingin niya ito.

Sa ngayon, wala pang petsa kung kailan babalik si Lebron sa hard court.