Naglista si LeBron James ng kahanga-hangang 33 points, 12 assists, at 11 rebounds, at nakamit ang ika-10 niyang triple-double season nang talunin ng Los Angeles Lakers ang New York Knicks, 128-112.
Gayunpaman, ang kanyang tagumpay ay mabilis na nahigitan ng balita dahil sa isang blockbuster trade. Si Luka Doncic ay inaasahang mapupunta sa Lakers sa isang three-team deal, habang ang kapalitan nitong si Anthony Davis ay ililipat sa Dallas, na hinihintay pa ang pag-apruba mula sa NBA.
Kumolekta Si LeBron, nang magandang rekord sa Madison Square Garden, kung saan ay naging ika-pitong manlalaro sa NBA na nakapag-achieve ng 2,500 3-pointers sa kanyang karera. kasama sina Austin Reaves na may 27 points at Rui Hachimura na may 21 points.
Naglista ang Lakers ng 58% mula sa field sa kanilang panalo.
Bagsak ang limang sunod na panalo ng Knicks, sa kabila ng triple-double (26 puntos, 13 rebounds, 11 assists) ni Josh Hart. Habang nagtala si Jalen Brunson ng 17 points at si Mikal Bridges ng 16 points.
Sa ibang laban sa NBA, tinambakan ng Portland Trail Blazers ang Phoenix Suns, 127-108. Si Deandre Ayton ay nag-ambag ng 24 puntos laban sa kanyang dating koponan, habang si Jerami Grant ay may 20 points. Si Devin Booker naman ay naglista ng 37 puntos para sa Suns, ngunit hindi ito sapat upang makabalik.
Samantala, si Aaron Wiggins ay kumolekta ng career-high na 41 points at 14 rebounds, kaya’t tumulong na talunin ang Sacramento Kings, 144-110.