-- Advertisements --

Pumirma ng dalawang taon na $104 milyon maximum contract si LeBron James para manatili sa Los Angeles Lakers.

Kasama sa kasunduan ang no-trade at player option para sa 2025-26 season.

Dahil dito ay tiyak na ang pagsasama ng 39-anyos na si James at ang anak nitong si Bronny na napili bilang 55th pick ng 2024 Draft.

Itinuturing na si James bilang two greatest NBA players sa kasaysayn kasama si Michael Jordan na unang manlalaro na umabot sa 40,000 career points.

Noong nakaraang season ay naging unang manlalaro si James na napili para sa 20 All-Star appearance nalagpasan nito si Lakers Legend Kareem Abdul-Jabbar.

May average na 25.7 points, 7.3 rebounds at 8.3 assists si James.