Hindi maitago ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James ang kalungkutan sa hindi pagkakasama ng kaniyang koponan sa NBA playoffs.
Sinabi nito hirap na siyang makapaglaro pa sa mga natitirang games ng Lakers dahil laglag na sila sa listahan.
Ayon sa ilang basketball analysts, nakakapanghinayang na hindi makakapaglalaro sa playoffs si James dahil itinuturing pa naman itong mabigat na kalaban ng ilang NBA players.
Para naman kay LeBron, ang nararamdaman daw niya ngayon ay tila isang mag-aaral na hindi napasama sa graduation rites bunsod nang hindi pagpasok ng kaniyang team sa playoffs.
Una nang sinabi ng kanyang malapit na kaibigan na si Dwyane Wade na si LeBron daw ang player na hindi sana’y na natatalo at wala sa playoffs.
Batay sa kanyang career record, umabot na sa 13 ang kanyang playoffs appearance pero ngayon lamang sumablay makaraang lumipat siya mula sa Cavs bago nagsimula ang 2018-2019 NBA season.