-- Advertisements --
Puro papuri at walang anumang negatibong komento si Los Angeles Lakers star LeBron James kay Miami Heat coach Erik Spoelstra.
Kasunod ito sa pagsisimula ngayong araw ng kanilang first game sa NBA Finals.
Ayon kay James na hindi matatawaran ang galing ng Filipino-American coach sa diskarte nito sa kaniyang koponan.
Marami aniyang mga manlalaro sa ibang koponan ang alam ang kalidad sa coaching ni Spoelstra.
Nakasama kasi ni James si Spoelstra ng makuha ang kampeonato noong 2012 at 2013 kung saan katuwang nito sina Dwayne Wade at Chris Bosh.