Inanunsyo ng NBA na sina LeBron James at ang reigning champion na Los Angeles Lakers ang pinakapopular pagdating sa bentahan ng jersey at ng merchandise.
Sa rankings na inilabas ng NBA, sumunod kay James sa listahan sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks, Kevin Durant ng Nets, Stephen Curry ng Golden State, at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.
Samantala, kabilang din sa top-10 jersey sellers sina Anthony Davis ng Lakers na nasa ikapitong puwesto, Jayson Tatum ng Boston sa ikawalong puwesto at Zion Williamson ng Orleans Pelicans sa career-best na 10th.
Ang Nets naman ang ikalawa sa pinakamaraming nabentang merchandise, na sinundan ng Golden State, Boston Celtics, Philadelphia 76ers, Miami Heat, Chicago Bulls, Dallas Mavericks, Toronto Raptors at Milwaukee Bucks.
Ang resulta na inilabas ng liga at ng players union ay ibinase sa sales ng NBA store website sa first half ng 2020-21 NBA season, na nagtapos noong nakalipas na linggo