Hindi pinaporma ng Cleveland Cavaliers ang Detroit Pistons upang ilampaso sa 28 points na kalamangan, 116-88.
Mula sa first quarter na 36-23 na abanse ng Cavs nagtuloy-tuloy na ito hanggang matapos ang laro.
Tinangka pa ng Detroit na mag-rally sa fourth quarter, pero hindi na nahabol pa ang malaking kalamangan ng karibal.
Nagsama-sama ng puwersa sina Kevin Love na may 19 points at at 11 rebounds, LeBron James at Jae Crowder na kapwa may tig-18 points upang itaas ang kanilang ika-10 panalo mula sa 17 mga laro ngayong season.
Hindi nagpapigil si LeBron kung saan 16 mula sa kanyang kabuuang score ay naipasok niya lahat sa first quarter pa lamang.
Wala ring patawad pagdating sa init sa 3-pointers ang Cavs nang itala ang 11 sa first half.
Kahit ang reserves ng Cleveland ay hindi kinaya ng Detroit nang iposte ang 26-8 sa first half.
Samantala dahil sa panalo, napigilan ng Cavs ang pamamayagpag ng Pistons na hawak ang 11-6 na kartada.
Ito ay sa kabila na kulang pa rin ng mga players ang Cavaliers bunsod nang pagpapagaling pa nina si Isaiah Thomas (right hip), Derrick Rose (left ankle sprain), Iman Shumpert (left knee effusion) at Tristan Thompson (left calf strain).
Ang next game ng Cavs ay kontra sa Nets na gaganapin sa Huwebes.