Hindi napigilan ng Milwaukee Bucks ang init nina LeBron James, Kevin Love at Kyle Korver na naging dahilan upang ilampaso sila ng Cleveland Cavaliers, 97-116.
Umiskor si James ng 24 points at walong assists, habang si Korver naman ay nagawang maipasok ang tatlong sunod na 3-pts sa third quarter run na siyang pumigil sa debut ng Milwaukee sa kanilang homecourt.
Si Love ay hindi rin nagpapigil sa paint na may 17 points at 12 rebounds para sa Cavs.
Puring-puri naman ni Cavs coach Tyronn Lue si Korver na nagsilbi raw bilang spark ng team para hindi makadikit ang Bucks.
Ito na ang ikalawang panalo ng Cavs kung saan sa NBA opening ay pinahiya ang Boston.
Ang Milwaukee na may 1-1 record ay pinangunahan ni Giannis Antetokounmpo sa pamamagitan ng 34 big points o nasa 15-of-22 shooting, at meron ding eight rebounds at eight assists.