-- Advertisements --

Bagamat malayo pa man ang pagpaso ng kontrata ni LeBron James, maaga pa ay kinausap na ito ng mga top executives ng Los Angeles Lakers.

Gayunman agad na nilinaw ni Rich Paul, CEO ng Klutch Sports Group na wala pa naman daw nabubuong deal sa magkabilang panig.

Una nang hinarap nina James at Paul sina Lakers vice president of basketball operations at general manager Rob Pelinka ganon din ang bagong Lakers coach na si Darvin Ham sa ginanap na pulong sa war room ng Lakers’ practice facility na nasa El Segundo, California.

Sinasabing si James ay nasa huling taon na ng kanyang kontrata na nagkakahalaga ng $44.5 million.

Batay sa patakaran sa NBA ang 38-anyos na si LeBron ay mayroon namang pumirma ng dalawang taon na kontrata.

Sa ngayon, eligible na rin si LeBron na pumirma ng dalawang bagong taon na kontrata sa halagang $97.1 million contract.