-- Advertisements --

Binabalak ngayon ni Los Angeles Lakers superstar forward LeBron James na maglaro laban sa bibisitang Dallas Mavericks sa Christmas Day (Disyembre 26 sa Pilipinas).

Una rito, nakuwestiyon kasi ang status ni James makaraang magtamo ito ng ankle injury sa pagkatalo ng Lakers sa Los Angeles Clippers kamakailan.

Ayon kay LeBron, hindi raw ito kailanman lumiban sa Christmas Day game kaya wala itong balak na magpahinga muna sa paglalaro.

“I’ll be ready to go tomorrow on Christmas Day,” wika ni James. “I’ve never missed a Christmas Day game, and I don’t plan on missing one tomorrow.”

Kung maaalala, nasungkit ng 16-time All-Star at four-time Most Valuable Player ang kanyang ikaapat na NBA championship noong nakalipas na season nang talunin nila ang Miami Heat sa Finals.