-- Advertisements --

Muli na namang binitbit ni NBA superstar LeBron James ang Los Angeles Lakers upang tambakan ang Washington Wizards, 122-109.

Ito ay matapos na magtala ng 50 points ang 37-anyos na si James para sa kanyang ika-15 beses na career points.

Sinasabing si LeBron ang itinuturing na “oldest player” na merong multiple 50-point games sa isang season.

Ito rin ang ikalawang sunod na pagkakataon sa home game ng Lakers kung saan si LeBron ay may 50 points.

Nito lamang nakalipas na Linggo ay kumamada naman ng season-high na 56 points si James para talunin ang isa sa top team na Golden State Warriors.

Si James ang unang Lakers player na nakagawa ng record performance na huling nangyari noon buhay pa ang basketball legend na si Kobe Bryant.

Dahil naman sa anim na rebounds na nagawa ni James, nalampasan na niya ang NBA great na si Dikembe Mutombo sa pang-12 puwesto sa NBA’s career defensive rebounds na meron ng 8,553 na natipon sa kanyang buong career.