Hindi pa rin daw kumukupas ang 36-anyos na si LeBron James matapos na kumamada ng 30 points, 11 rebounds at 10 assists upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa panibagong panalo laban sa Orlando Magic, 106-94.
Ito na ang ika-101 triple-doubles sa buong NBA career ni James.
Sa unang apat na minuto sa second half ay agad ng umiskor si James ng 13 points para sa kanilang 23-0 rally na naging hudyat para magtuloy-tuloy ang kanilang abanse.
Malaking tulong din naman ang ginawa nina Talen Horton-Tucker at Russell Westbrook na may tig-19 points, habang si Carmelo Anthony ay nagdagdag ng 13 mula sa bench para punan ang hindi pa rin paglalaro ng big man na si Anthony Davis.
Ito na ang ika-tatlong panalo ng team sa huling apat na laro para sa kabuuang 15-13 record.
Lalo namang nabaon ang kulelat na Magic sa 5-23 kartada.