-- Advertisements --
Nagtala ng panibagong record si NBA superstar LeBron James.
Ito ay matapos na maging kauna-unahang NBA player na nakapagtala ng triple double laban sa lahat ng team sa liga.
Naitala nito ang record nang talunin ng Los Angeles Lakers ang Oklahoma City Thunders, 112-107.
Mayroong 25 points, 11 rebounds at 10 assists ang 34-anyos na dating MVP.
Dahil din sa panalo ay nanguna ang Lakers sa Western Conference na mayroon ng 12 panalo at dalawang talo pa lamang.
Ang paglakas ng Lakers ay matapos kunin din ang serbisyo ni Anthony Davis at ilan pang pagbabago sa players line up.