-- Advertisements --
Nagtala ng record si NBA superstar LeBron James.
Ito ay matapos na maging kauna-unahang NBA player na nakapagtala ng triple double laban sa lahat ng koponan na kanilang nakaharap sa liga.
Naitala nito ang record ng talunin ng Los Angeles Lakers ang Oklahoma City Thunders 112-107.
Mayroong 25 points, 11 rebounds at 10 assists ang 34-anyos na NBA star.
Dahil rin sa panalo ay nanguna ang Lakers sa Western Conference na mayroong 12 panalo at dalawang talo.