Kinilala ngayon ang NBA superstar na si LeBron James bilang highest scoring player sa kasaysayan ng liga sa pinagsamang regular season at postseason.
Ang record breaking feat ni James ay nagdala sa kanya upang lampasan ang basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar.
Naabot ni James ang panibagong milestone sa laro kanina ng Los Angeles Lakers kung saan natalo sila ng Golden State Warriors, 117-115.
Kinakailangan lamang ni LeBron ng 19 points pero sa kabuuan umiskor sya ng 26 points.
Nakatipon na si LeBron ng 44,152 points upang maungusan ang hawak na record ni Jabbar na 44,149 points kasama na ang 38,387 sa regular season at 5,762 naman sa postseason.
Samantala pagdating naman sa all-time regular season list ay number 3 si James at number one bilang all-time post season scoring list na may 7,657 points.