-- Advertisements --
Kahit man nangungunang tumututol sa pagsasagawa ng All-Star Game, ibinoboto pa rin ng mga fans si Lakers superstar LeBron James para maglaro.
Sa huling bilangan, nalampasan na ni James si Kevin Durant sa mga boto nang makatipon na ng 4,369,553 upang malagpasan na si Durant na may 4,234,433 votes.
Bago ito noong nakaraang linggo ay abanse pa si Durant.
Sa kabila nito wala pa ring pormal na anunsiyo ang liga kung ang sistema ba ng laro ay katulad ng dati na banggaan ng mga piling stars mula sa Eastern at Western Conference.
Una nang lumutang na posibleng isagawa ang All-Star Game sa March 7 sa Atlanta bilang bahagi ng isang linggo na break ngayong season.