-- Advertisements --

Nangunguna pa rin sa resulta ng first fan voting para sa Western Conference 2024 NBA All-Star Game si Lebron James.

Sa huling tala, nakakuha ng higit dalawang milyon ang NBA superstar na boto mula sa mga fans.

Pumapang-apat naman ang kanyang teamate na si Anthony Davis para sa frontcourt ng West.

Sa Eastern Conference naman nangunguna si Bucks superstar Giannis Antetokounpo na mayroon ding higit dalawang milyong fan vote.

Ang roster selection format ay binago ngayon taong All-Star Game na ang lineups ay binalik sa Eastern Conference vs Western Conference format.

Ang 2024 NBA All-Star Game ay nakatakda sa Pebrero 18 sa Indianapolis.