Naungusan na ni NBA superstar LeBron James si Stephen Curry sa nakuhang third round ng botohan ng mga fans para sa mga players na mapapasama sa nalalapit na All-Star game.
Ang All-Star voting ay magtatapos sa Linggo.
Ang Lakers forward na si LeBron ay meron ng natipon na 6.8 million votes, para lampasan ang Warriors guard na si Curry na meron namang mahigit sa 6 million votes.
Inaasahan na muling mapipili si James bilang team captain sa isa sa dalawang All-Star teams sa ikalimang sunod na taon na nagsimula mula pa noong 2018.
Posible ring maging katapat ni James na team captain si Kevin Durant ng Brooklyn Nets sa Eastern Conference na merong 380,000 votes.
Sumusunod kay Durant si Milwaukee Bucks supertar Giannis Antetokounmpo.
Samantala, angat din sa botohan sa line up ni LeBeon ang reigning MVP na si Nikola Jokic, Warriors forward Andrew Wiggins na hindi pa nakatikim sa All-Star, nandyan din si Clippers Paul George, Lakers Anthony Davis at Warriors forward Draymond Green.
Nag-aagawan din sa puwesto sa backcourt liban kay Curry sina Ja Morant ng Grizzlies, at Luka Doncic ng Mavs.
Ang All-Star Game ngayong taon ay gaganapin sa Cleveland sa Feb. 19.