Habang sa sunod na linggo ay pormal na magsisimula ang bagong season ng NBA, inaabangan na rin ang 11 NBA statistical milestones na inaasahang maaabot ng ilang mga basketball superstars.
Tinawag itong statistical major milestones kung saan kabilang sa inaasahang babasag ng record ay ang veteran superstar na si LeBron James ng Lakers, Phoenix Suns star Chris Paul at Golden State Warriors three-point king Stephen Curry.
Ang four-time MVP at 17-time All-NBA performer na si LeBron ay nasa ika-19 na season na.
Kailangan na lamang ni LeBron ng 1,561 points upang lampasan niya ang basketball legend na si Karl Malone.
Kapag nangyari ito, pupwesto si James bilang ikalawa sa All-time field goal leaders sa NBA history.
Ang point guard naman ng Suns na si Paul ay kailangan lamang ng 60 assists upang tanghaling nasa Top 3 sa all-time assists.
Liban nito posible rin siyang umakyat pa sa all-time steals ngayong NBA season.
Samantala si Curry naman kapag nakagawa siya ng 141 three points kikilalanin siya sa kasaysayan bilang All-time 3-pointer leader.
Lalagpasan niya bilang hari sa 3-point area ang NBA legend na si Ray Allen.