-- Advertisements --

Halos taun-taon ay nasa NBA Finals lumalaban si LeBron James.

Nagawa na niya ito ng 10 beses at apat dito ay nakuha niya ang korona.

Pero sa pagkakataong ito ay nagsilbi lamang siyang fan at nanood.

Ito na ang ikalawang beses na hindi siya umabot sa Finals na ang una ay noong taong 2011.

Kanina sa Game 5 ay agaw pansin si James sa courtside sa Phoenix.

Ayon sa kanya, nais niyang ipakita ang suporta sa kanyang bestfriend na si Chris Paul.

Noong high school pa sila ay schoolmate na.

Nagbalik tanaw pa si LeBron na noong una siyang umabot sa NBA Finals taong 2007 ay nanood din si Paul.

Kaya naman ibinabalik lamang daw niya ang pabor.

to naman ang unang championship ni Paul sa Phoenix Suns.

Gayunman, hindi umubra sa laro ang Suns at nakuha ang Games 5 upang umabanse pa ang Bucks sa serye, 3-2.

“I’m here for CP, ” ani LeBron.” We support each other. “

Kung maalala sa first round series kamakailan ng playoffs, ang Suns naman ang nag-itsapuwersa sa Lakers ni James.