-- Advertisements --
LEBRON HONGKONG

Tinangkang magpaliwanag at ibangon ni LeBron James ang kanyang pananaw sa isyu sa China makaraang umani siya ng negatibo sa mga Hong Kong protesters.

Una rito, pinagsisira ng ilang mga kabataan ang jersey number at t-shirt na kumakatawan kay LeBron, ang iba naman ay pinagbabato ang kanyang mukha at sinunog ang kanyang t-shirt.

Ilan din sa mga fans ay pinagdiskitahan ang mukha o itsura ni James sa social media tulad ng mga kakatwang memes at iba pang panlalait.

Galit na galit kasi ang ilang nga nagpoprotesta nang batikusin ng NBA superstar ang general manager ng Houston Rockets na si Daryl Morey nang kampihan ang mga nagrarali sa Hong Kong.

Sa kanyang pinakabagong statement, iginiit ni LeBron na silang mga NBA players ay hindi naman mga politiko.

Ayon kay James ang kanyang team at ang liga ay kagagaling lamang sa mahirap na sitwasyon sa China kaya ang kanyang pakiusap ay sana naman ay maintindihan naman sila.

“My team and this league just went through a difficult week. I think people need to understand what a tweet or statement can do to others. And I believe nobody stopped and considered what would happen. Could have waited a week to send it,” ani James sa kanyang twitter account. “Let me clear up the confusion. I do not believe there was any consideration for the consequences and ramifications of the tweet. I’m not discussing the substance. Others can talk About that.”