-- Advertisements --

Tinapos na rin ng NBA superstar na si LeBron James ang ilang buwang mga haka-haka at mga ispekulasyon kaugnay sa kanyang career move matapos na kumpirmahin niya ang paglipat sa Los Angeles Lakers mula sa Cleveland Cavaliers.

Sinasabing pumayag na umano si James sa apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $154 milyon o P8.2-bilyon.

Matapos ang kumpirmasyon ng Klutch Sports Group ay sumunod na rin ang pag-amin ng four-time MVP and fourteen-time All Star sa magiging bago niyang homecourt sa papasok na 2018-2019 NBA season.

Nagpaabot ng pasasalamat si James sa kanyang iiwang team na biniyayaan niya ng korona sa pamamagitan ng Instagram post.

Bahagi ng black and white photo ay ang 2016 Cavs NBA title victory parade.

“Thank you Northeast Ohio for an incredible 4 seasons,” ani James sa kanyang mensahe ng pasasalamat. “This will always be home.”