Mistulang balik na sa normal ang Los Angeles Lakers, siyam na araw matapos na pumanaw ang naging bahagi ng kanilang pamilya na NBA legend na si Kobe Bryant.
Nagpakitang gilas ang Lakers team upang tambakan ang San Antonio Spurs, 129-102.
Nanguna sa all-around game si James na umiskor ng 19 points sa fourth quarter lamang mula sa kanyang kabuuang 36 points.
Nagpakawala rin si LeBron ng serye ng 3-points shots na lalong nagbaon sa Spurs sa kamalasan.
Liban dito, nagdagdag din si King James ng nine assists at seven rebounds.
Dumating pa sa punto na nagbunyi ang lahat ng bench ng Lakers (38-11) upang salubungin si LeBron matapos maipasok ang ikalimang 3-point shot dahil sa walang paltos na 5-out-of-5 sa three point arc.
Samantala tumulong naman sa opensa ng Lakers sina Anthony Davis at Kyle Kuzma na may tig-18 points para iposte ng koponan ang ikatlong beses na pag-sweep nila sa karibal ngayong season.
Sa panig ng Spurs (22-28) nasayang naman ang diskarte ni DeMar DeRozan na nagpakita ng 28 points, nine rebounds and seven assists.
Ang next game ng Spurs ay laban sa Blazers sa Biyernes.
Habang host naman ang Lakers sa harapan nila ng Rockets.