-- Advertisements --

ILOILO CITY – Libreng ipapakain ang lechon kasabay ng Lechon Festival sa Paraw Regatta Festival 2023.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay John Lex Espinosa Bayombong, chairman ng Paraw Regatta sa ilalim ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated, sinabi nito na ang mga lechon ay ilalagay sa coastal areas matapos ang pag-take off ng mga bangka sa Paraw Main Race sa Domingo, Marso 19.

Tiniyak rin nito na hindi magkakagulo ang mga tao lalo na sa pagkain ng libreng lechon.

Ayon kay Bayombong, 10 mga participants mula sa iba’t-ibang food establishments ang inaasahan na sasali sa Lechon Festival.

Nilinaw rin nito na hindi unlimited ang lechon.

Sa ngayon, bukas pa ang secretariat para sa mga gustong sumali sa Lechon Festival.