LEGAZPI CITY – Aminado si Vice Mayor Jorem Arcanghel na apektado na ng outbreak sa African Swine Fever sa Albay ang bayan ng Jovellar, na una nang isinailalim sa pink zone.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Arcanghel, ang mga negosyante na nagsusuplay ng native lechon sa mga karatig bayan at iba pang lalawigan sa Bicol ang pinaka unang apektado.
Upang makontrol ang pagkalat ng naturang sakit sa mga baboy, nagbaba ng kautusan si Mayor Brandy na nag-uutos sa mga barangay offcials sa paglalagay ng animal quarantine checkpoints sa boundary ng Pioduran kung saan unang nakumpirma ang ASF.
Pina-disinfect na rin ang mga kulungan ng baboy at mahigpit ang monitoring sa mga backyard hog raisers.
Maliban sa ASF, binabantayan rin sa mga checkpoints ang iba pang karatig na lugar tulad ng Donsol, Sorsogon dahil sa banta ng coronavirus disease.