-- Advertisements --
ILOILO CITY – Magsasagawa ng Lechon Festival ang local government unit ng Sta. Barbara, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Darel Tabuada,Iloilo Provincial Veterinarian, sinabi nito na ang nasabing hakbang ang naisip nila na paraan upang matulungan na makabangon ang mga hog raisers na apektado ng African Swine Fever.
Ang Lechon Festival ay isasagawa bilang parte ng isang linggong Kahilwayan Festival o Cry of Sta Barbara.
Ayon kay Tabuada, 120 mga baboy ang ihahanda sa Nobyembre 20 at ilalagay sa plaza ng Sta. Barbara.
Napag-alaman na isa ang bayan ng Sta. Barbara sa mga bayan sa lalawigan na apektado ng African Swine Fever at isa sa pinakamalaking pork meat producer sa Iloilo.