-- Advertisements --
Ikinatuwa ng legendary banda na Led Zeppelin ang pagpabor sa kanila ng korte sa reklamo na hindi sa kanila ang kantang “Stairway to Heaven”.
Itinuring kasi na nagwagi na ang banda matapos na tumangging talakayin na ng US Supreme Court ang nasabing kaso.
Nagbunsod ang kaso sa reklamo matapos na ang opening guitar riff ng nasabing kanta ng banda ay ginaya mula sa kantang “Taurus” na sulat ni Randy Wolfe ng bandang Spirit.
Inakusahan ang lead singer na si Robert Plant at guitarist na si Jimmy Page ng paggaya ng nasabing kanta.
Tumugtog pa ang Led Zeppelin sa concert ng Spirit noong 1968 at sinabi ni Page na hindi pa niya naririnig ang kantang “Taurus” noon.