-- Advertisements --

Iniulat ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., na natapos na ng Kamara de Representantes ang lahat ng 19 na panukalang batas na target ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na tapusin hanggang sa Hunyo 2024.

Ayon kay Speaker Romualdez natapos ng Kamara ang mga panukala ng mas maaga ng tatlong buwan sa itinakdang panahon.

Kasabay nito, muling inulit ni Speaker Romualdez na nakasuporta ang Kamara sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

Sa kanyang ulat sa pagpupulong ng LEDAC nitong Martes ng umaga sa Malacanang, sinabi ni Speaker Romualdez na natapos ang Kamara ang 19 na LEDAC bills.

“Mr. President, we have done our homework and all the 19 measures re-prioritized for target by June 2024 have been approved on the third and final reading by the House of Representatives,” sabi pa ni Romualdez.

Kabilang sa 19 na panukala ang mga sumusunod: 1. Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System 2. Negros Island Region 3. Philippine Maritime Zones Act 4. Amendments to the Anti-Agricultural Smuggling Act 5. Philippine Defense Industry Development Act (PDIDA)/Self-Reliant Defense Posture Act 6. Valuation Reform Bill 7. Waste-to-Energy Bill 8. Instituting a National Citizens Service Training (NCST) Program 9. E-Government/E-Governance Act 10. Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA) 11. Enabling Law for the Natural Gas Industry 12. VAT on Digital Services 13. Open Access in Data Transmission Act 14. Military and Uniformed Personnel Reform Bill 15. Blue Economy Act 16. Amendments to the Government Procurement Reform Act 17. Department of Water Resources and Services 18. Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act. 19. CREATE MORE.
Dagdag pa ni Speaker Romualdez na tatlong panukala na lamang sa kabuuang 59 panukala na tinukoy ng LEDAC ang hindi pa naipapasa ng Kamara.

Tinukoy nito na noong Setyembre 27, 2023, 20 sa panukala na target ipasa ng Disyembre 2023 ay napagtibay na ng Kamara.

Katunayan, 10 umano sa 20 panukala ang natapos na ng Kamara noon pang 2022.

Ito ang: Internet Transactions Act, Public-Private Partnership Act, Ease of Paying Taxes, New Philippine Passport Act, Centers for Disease Prevention and Control, HEART Act, Virology and Vaccine Institute of the Philippines, NCST Program Act, Valuation Reform, at Waste Treatment Technology Act.

Sa 20 panukala, pito ang nalagdaan ng Pangulo at ganap ng batas.

Kasalukuyan namang nakasalang aniya sa bicameral conference committee ang tatlo sa mga ito: ang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act, Magna Carta for Seafarers, at Valuation Reform Act.

Ang nalalabing mga panukala na inaprubahan ng Kamara sa ikatlong pagbasa ay naisumite na niya nila sa Senado.

Kumpleto na rin sa panig ng Kamara ang lahat ng 17 priority measures na binanggit ng Pangulo sa kanyang President in his State of the Nation Address (SONA) Hulyo ng nakaraang taon.