Nakatakdang ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ang LEDAC ay binubuo ng liderato at ilang miyembro ng Kongreso, piling miyembro ng gabinete ng pangulo at kinatawan ng local government units (LGUs), pribadong sektor at sektor ng kabataan.
Sa pulong ng LEDAC karaniwang pinag-uusapan ang legislative agenda ng administrasyon at binubusisi ang mga pagiging epektibo ng national development plan ng gobyerno at iba pa.
Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, nakikipag-ugnayan na ang MalacaƱang kay House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate President Tito Sotto III.
Ayon kay Sec. Nograles, posibleng ganapin ang LEDAC meeting sa Agosto ngayong taon.
Ito ang magiging unang LEDAC meeting na ipapatawag ni Pangulong Duterte kasunod ng kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).
Kung maaalala sa kanyang SONA, ilang panukalang batas ang isinulong ni Pangulong Duterte sa Kongreso.