-- Advertisements --

Itinuring na isang bayani si Paul Lee matapos talunin ng Magnolia Hotshots ang NLEX 103-100 sa PBA Philippine Cup bubble game sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Naipasok niya kasi ang kaniyang three point at nakakuha pa ng foul sa natitirang 32.5 seconds ng laro.

Nagresulta din nito sa pagka-fouled-out ni Anthony Semerand.

Itinuturin ni Magnolia head coach Chito Victolero na team effort ang naging panalo nila dahil sa pagiging agresibo ng kaniyang mga manlalaro.

Mayroong tig-19 points sina Jio Jalalon at Chris Banchero habang 18 points si Lee at 13 points naman ang naitala ni Mark Barroca.