-- Advertisements --
paul lee
Photo from PBA Images

Inani ng Magnolia ang kanilang ikatlong dikit na panalo matapos ang 99-96 tagumpay nila sa Phoenix sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome nitong Sabado, Hunyo 22.

Bumuslo ng 27 points at pitong assists si Paul Lee, habang may 26 points, 18 rebounds at tatlong blocks naman si import Jamess Farr upang pamunuan ang Hotshots.

Maliban sa panalo, ipinagdiwang din ng Hotshots ang pagbabalik si Marc Pingris na huling naglaro noong Marso 2018 makaraang dumalas ng ACL injury.

Bagama’t limitado lang sa walong minuto si Pingris, nakapaglista ito ng tatlong rebounds.

Nagdagdag ng 11 points si Marc Barroca, samantalang humugot ng 10 markers at limang boards si Jio Jalalon para sa Magnolia.

Nabalewala naman ang malahalimaw na 36 points, 20 rebounds, at dalawang blocks na kinolekta ni Rochard Howell para sa Phoenix, na laglag ngayon sa 2-4.

Narito ang mga iskor:

Magnolia 99 – Lee 27, Farr 26, Barroca 11, Jalalon 10, Dela Rosa 8, Sangalang 8, Brondial 7, Melton 2, Pascual 0, Pingris 0, Herndon 0.

Phoenix 96 – Howell 36, Wright 19, Jazul 15, Chua 8, Marcelo 7, Mallari 6, Wilson 3, Dennison 2, Perkins 0, Kramer 0, Intal 0.

Quarters: 23-24, 47-45, 71-67, 99-96.