Naniniwala si Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co na magiging landmark ng rehiyon ang legacy building ng Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) at maging sa Pilipinas sa pangkalahatan.
Sa isinagawang groundbreaking ceremony sa 20-palapag na Integrated Specialty Care and Wellness Center Hub ng BRHMC, binigyang-diin ni Rep. Co ang malaking papel ng pasilidad bilang isang komprehensibong sentro ng pangangalaga na nagtatampok ng mga espesyal na departamento para sa paggamot sa puso, baga at kanser.
Layon nito na ilapit sa mga taga probinsiya ang mga specialty hospitals at mababawasan na rin ang pangangailangan para sa mga Bicolano na maglakbay patungong Maynila.
Sa talumpati ni Rep. Co, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng specialty hospital sa Bicol region kundi maging sa mga karatig rehiyon.
Aniya ang gusali hindi lamang isang palatandaan para sa rehiyon at ng buong bansa.
Dagdag pa ni Co, na bukod pagpapaunlad ng imprastraktura, ibinahagi din nito ang magandang balita para sa mga medical personnel ng Bicol.
Sinabi ng mambabatas na matatanggap na ng mga nagtatrabaho sa ospital nuong kasagsagan ng pandemic ang kanilang allowance dahil nabigyan na ito ng allotment.
Lubos naman nagpasalamat si Co kay Speaker MartinRomualdez sa suporta nito at maging sa iba pang mga proyekto sa rehiyon.
Kabilang dito ang pagpapabuti ng suplay ng kuryente, ang pagtatayo ng mga evacuation center para sa disaster-prone region, at ang pagtatayo ng Haven Legacy, isang santuwaryo para sa mga inabandonang matatanda at inaabusong kababaihan at bata.
Binigyang-diin ni Rep. Co na sa panig ng Albay Electric Cooperative, nasa P300 million ang ibinigay ni Pangilong Ferdinand Marcos Jr., at Speaker Romualdez para ma-improve ang kuryente at para wala nang brown out sa 2nd district ng Legazpi.
Binanggit din ng chairman ng House committee on appropriations ang makasaysayang budget na inilaan para sa anti-inflation measures at social services sa buong bansa.
Sinabi ni Co nasa halos P600 billion or half a trillion pesos ang inilaan ng Pangulong Marcos at Speaker Martin Romualdez ng Kongreso para dito.