-- Advertisements --

Handang magbigay ang Department of Migrant Workers (DMW) ng mga kakailanganing legal assistance ng mga naarestong Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Qatar alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang naging pagaresto ng mga otoridad sa Qatar sa mga OFW’s ay nagugat dahil sa pagsasagawa ng political action ng mga ito.

Paalala ni Cacdac, marapat na sundin at respetuhin ng mga OFW’s ang mga batas ng kanilang host country.

Kasunod nito, tiniyak naman ni Cacdac na magbibigay ng legal assistance ang kanilang ahensya sa mga indibidwal na ito bilang bahagi ng kanilang sinumpaang mandato.

Bahagi rin ng mandato na ito na panatilihin at huwag husgahan ang mga naging aksyon ng mga OFW’s at mas bigyang halaga na mabigyang proteksyon ang mga ito.

Samantala, nanindigan din ang DMW na hindi nila pinapayagan at sinusuportahan ang mga naging aksyon na ito ng mga OFW’s at maging ang naging pagsuway ng mga ito sa mga batas.

Panawagan din ng kalihim na maging kalmado sa paghusga na maaring makaapekto sa kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay at maging ng bansa.