-- Advertisements --

Hinamon ng kampo ni Col. Ranulfo Sevilla ang Commission on Appointments na magkaroon ng patas na diskusyon hinggil sa kasong kinasasangkutan ng naturang opisyal ng Armed Forces of the Philippines na naudlot ang promosyon nang dahil sa ginawa ng panghaharang ng misis nito na si Tessa Reyes-Sevilla.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines, ito ang inihayag ng legal counsel ni Col. Sevilla na si Atty. Ronald Barbaso kasunod ng umano’y kawalan ng due process sa isinagawang paglilitis nito sa kaso ni Sevilla.

Paliwanag ni Atty. Barbaso, tila naging one-sided daw kasi aniya ang bilang opisyal ng komisyon sa ginanap na proceedings sa kanyang kliyente sa pamamagitan ng hindi pagpapahintulot o pakikinig sa buong paliwanag ng kanilang panig hinggil sa nasabing isyu.

Bagay na pareho rin aniyang sentimiyento ng iba pang mga abogado, hukom, at iba pa na nakasaksi sa isinagawang proceedings ng CA.

Sabi ni Atty. Barbaso, dinadaan ngayon sa trial by publicity si Col. Sevilla kung saan lahat aniya ng mga mali, at baluktot na akusasyon ng kaniyang dating asawa ang pinaniniwalaan ng publiko nang hindi naririnig ang kanilang panig.

Matatandaan na una rito ay Mariing pinabulaanan na ni Col. Sevilla ang lahat ng mga ipinaratang sa kaniya ng dating asawa kasabay ng pagbibigay-diin na matagal nang silang hiwalay ng kaniyang asawa.

Kaakibat ang mga dokumentong kanilang pinanghahawakan bilang ebidensya ay Mariing itinanggi ni Col. Sevilla ang mga akusasyon ng kanyang dating asawa na sinasaktan umano niya ito at ang kaniyang mga anak.

Kasabay din ng kaniyang Paliwanag na hindi raw umano pinag-aral ng kaniyang asawa ang kaniyang anak na dahilan naman kung niya raw binawasan ang sustentong ipinapadala nito sa kanila.

Kamakailan lang ay na-bypass na ng Commission on Appointments ang promosyon sana ni Col. Sevilla bilang Brigadier General ngunit gayunpaman ay iginagalang pa rin aniya ng kanilang kampo ang desisyon nito maging ang mga opisyal na bumubuo nito.