LEGAZPI CITY- Patuloy ang paninindigan ni dating US President Donald Trump na not guilty siya sa 34 counts ng falsifying business records na kinakaharap nito.
Aniya, ginagamit lamang ang kapangyarihan ng judicial system upang tuligsain siya.
Ayon kay Bombo International Correspondent Marlon Pecson sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ipinapapanawagan ngayon ng legal counsel ng dating pangulo na payagan ang non-appearance nito sa unang hearing na nakatakda sa Disyembre 4.
Katriwan ng mga ito na dinudumog ng media at publiko si Trump dahil marami ang nakasubaybay sa mga kaso na kinakaharap nito.
Samantala, nanindigan naman ang Manhattan District Attorney na kinakailangan ang personal na pagdalo ni Trump sa naturang hearing upang personal na harapin at sagutin ang mga kaso nito.
Matatandaan na inereklamo si Trump dahil sa pagbabayad ng mahigit $100,000 sa adult actress na si Stormy Daniel para ito manahimik at hindi masira ang kaniyang kampanya nito sa pagkapangulo noong 2016.