-- Advertisements --

Pinatotohanan ng dalawang legal counsel ni dating PCSO General Manager Royina Garma na walang panggigipit, pagbabanta ang ginawa ng dalawang Quad Com co-chairmen na sina Rep. Bienvenido Abante at Rep. Dan Fernandez kay PCol. Hector Grijaldo.

Batay sa inilabas na joint statement nina Atty, Emerito Quillang at Atty. Rotoiv Cumicad na inimbitahang maging testigo sa nasabing meeting kanilang sinabi na wala silang Nakita o napansin na coercion, panggigipit o pagbabanta na ginawa ang dalawang mambabatas kay Grijaldo.

Si Rep. Gerville Luistro ang naglabas sa komite ang nasabibg joint statement at sinabing ang nasabing dokumento ay patunay na hindi totoo ang alegasyon i Grijaldo sa pagdinig ng senado.

Dahil dito, hinikayat ni Luistro si Abante at Fernandez na gumawa ng aksiyon laban sa naging alegasyon ni Grijaldo.

Inatasan naman ni Quad Comm lead chair Robert Ace Barbers sa Committee Secretary na bigyan ng kopya ang senado hinggil sa testimonya ng dalawang abogado ni Garma.