Anumang uri ng paputok legal man o iligal, ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga gagamit nito.
Sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na sakaling magsindi ng legal na paputok ang isang indibidwal at maaksidente, pareho pa rin ang pinsala ng isang ilegal na paputok.
Aniya, lahat ng mga paputok ay sumasabog.
Giit ni Domingo na iisa lang ang kahihinatnan nito pag naputukan ang daliri ng isang indibidwal.
Lumalabas sa datos ng DOH na umakyat na sa 75 ang mga pinsalang nauugnay sa paputok, kung saan hindi bababa sa anim ang nangangailangan ng pagputol ng kanilang mga daliri.
Ang ilan sa mga pinsala–humigit-kumulang 20 hanggang 30 porsyento ng kabuuang bilang–ay kabilang din sa mga itinuturing na passive user o mga manonood lamang.
Una na rito, inaasahan ng ahensya na tataas pa ang bilang nito habang papalapit ang 2024 o pagsalubong sa bagong taon.