-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Handa na para sa clarificatory hearing ng Department of Justice ngayong Oktubre a-9, ang legal team ng Socorro Bayanihan Services Incorporated o SBSI.

Ito’y kaugnay sa mga kasong isinampa sa mga lider ng umano’y kulto na sina Jey Rence Quilario, Karren Sanico, Janet Ajoc at Mamerto Galanida.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Hillary Olga Reserva, legal counsel ng mga binansagang cult leaders na bago nailipat ang kaso sa Department of Justice, naka-file na sila ng kanilang counter-affidavit sa Provincial Prosecutor’s Office ng Surigao del Norte.

Dagdag pa ni Atty. Reserva na sisikapin nilang hindi magiging trial by publicity ang naturang mga kaso kung kaya’t kanilang ipipresenta ang panig ng kanilang mga kliyente bilang pagsunod sa nakasaad sa Konstitusyon na presumption of innocence laban sa mga akusado.