-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Aminado si Atty. Hillary Olga Reserva, legal counsel ng mga lider ng Socorro Bayanihan Services Incorporated o BSBI na tagilid sila sa imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs at ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Sa eksklusilbong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Reserva na ito’y lalo na’t mabigat ang opinyon ng publiko laban sa kanyang mga kliyenteng sina Jey Rence Quilario, Karren Sanico, Janet Ajoc at Mamerto Galanida.

Dagdag pa ng abogada, sa ngayo’y wala pa silang nakikitang legal remedy sa korte laban sa pag-contempt ng Senado sa kanilang mga kliyente dahil malakas umano ang contempt power ng Senado na hindi maaaring i-encroach ng korte.

Sa ngayo’y nasa ilalim pa rin umano sila sa power ng Senado lalo na sa mga prosesong legal kung kaya’t mag-aantay na lamang sila kung kailan papalayain ang kanilang mga kliyente.