-- Advertisements --

Umaapela ng panibagong trial ang legal team ng dating Minneapolis police officer Derek Chauvin na nahatulang guilty sa kasong murder at manslaughter sa black american na si George Floyd noong nakaraang buwan.

Nagsumite na sa korte ng notice of motion ang kampo ni Chauvin laban sa prosecutor at jurors na may hawak ng kaso dahil hindi umano nabigyan ng patas na trial ang kanilang kliyente dahil sa pagsasapubliko sa pre-trial at pagtanggi ng hukom na baguhin ang venue ng trial.

Sa petisyon na inihain ng lawyer ni Chauvin na si Atty. Eric Nelson, iginigiit nito na nagkaroon ng prosecutorial at jury misconduct, witness intimidation at error of law sa naturang trial.

Humaharap ang 19 year law enforcement veteran na si Chauvin sa 40 taong pagkakabilanggo na nakatakdang masentensiyahan sa susunod na buwan ng Hunyo. (with reports from Bombo Jane Buna)