-- Advertisements --

Magsisimula na sa susunod linggo ang mga nakatalagang abogado ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na talakayin ang kaso nito.

Sinabi ni International Criminal Court (ICC) listed counsel Nicholas Kaufman, na mayroong limang iba pang mga abogado ang kaniyang nakakausap na.

Kabilang aniya dito ang isang Pinoy subalit hindi na binanggit pa ang mga pangalan ng mga ito.

Binubuo ito ng maximum ng limang tao at sila ay magtatalaga ng iba pang mga tao para tulungan sila.

Nakausap na rin aniya nito si Vice President Sara Duterte ukol sa legal team ng dating pangulo na nahaharap sa crime against humanity.

Ilan sa mga plano nila ngayon ay ang paghahain ng petition para sa interim release ng dating pangulo.