-- Advertisements --

Susulitin daw ng Office of the Vice President (OVP) ang magdamag para pag-aralan ang memorandum na inilabas ng Malacanang na nagtalaga kay VP Leni Robredo vilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito ang sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez matapos mabatid na “non-existent” ang pwestong pinatalagahan ng gobyerno sa pangalawang pangulo.

“Well obviously yung lawyers will have the next few hours to look at yung legalities. But beyond yung legalities kasi ng sitwasyong ‘to we feel that yung buong context, kasama na siyempre yung legal shortcomings, establishes na parang hindi seryoso itong offer na ‘to.”

Dahil dito, kumbinsido ang OVP na nais lang ipasa ng administrasyon kay Robredo ang mga pagkukulang nito sa nakalipas na tatlo’t kalahating taon na implementasyon ng war on drugs.

“This is as clearly just a way to attempt to pass off yung mga pagkukulang nitong drug war kay VP Leni. When in fact hindi naman siya (Robredo) ang may tatlo’t kalahating taon ng nakaupo dyan para tutukan to. Hindi siya yung nangako na anim na buwan matatapos itong drug war na ‘to. Despite all that, isantabi na natin yun, handa siyang laging tumulong and from the start yun naman yung kanyang intensyon.”

Kaya kung may aasahan daw bukas sa pagsasalita ni Robredo, ito ay ang kanyang mga plano kung paano makakatulong sa pagpapatupad ngayon ng pamahalaan sa naging marahas na kampanya.

Para kasi kay Gutierrez, tila nakikipag-lokohan lang ang palasyo dahil malabo ang naging appointment nito sa pangalawang pangulo.

“Well hindi pa yun yung, as of tonight, hindi pa but tomorrow definitely she will be delivering her position on kanyang tingin na directions that the war on drugs should take and that’s where she will lay out yung kanyang desisyon.”

“Ang hirap pumasok kasi in to the conversation and negotiations. Kasi as of the moment ang tingin talaga namin this is not even a serious offer. Abogado ako, abogado si presidente, yung kanyang executive secretary, yung mga nag-prepare nito (memorandum). I cannot believe that lawyers who know the Constitution and administrative code, if they were serious to have given this kind of memorandum. So its a measure of yung seriousness nila and as long as klaro na hindi pa seryosong offer ito, I dont think that there is really a conversation about negotiations.”

Sa ngayon mas pursigido raw ang kampo ni Robredo na ipagpatuloy ang mga nasimulan nitong programa, gayundin na handa itong makipagtulungan sa pamahalaan kontra iligal na droga kahit hindi pa ito talaga sa kahit anong posisyon.

“We are willing to set all that aside and focus on what the VP has always deemed to be important from the start which is ano ba yung mga hakbang na pwede nating gawin kahit wala pa siyang posisyon para maayos itong war on drugs. Remember, now the president has the power na ayusin. He can do it on his own. In fact he should have been doing it in the past three and a half years.”

“She doesn’t need a chair to actually do that.”