-- Advertisements --
image 116

Pabor si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na gamitin ang cannabis para sa medical purposes sa Pilipinas.

Paliwanag ng kalihim na maaari ng magamit ang medical cannabis sa mga pasyente sa bansa sa pamamagitan ng isang compassionate special permit na nilagdaan ng Food and Drugs Administration (FDA) na magpapahintulot sa pag-aangkat ng naturang gamot.

Saad pa ng kalihim na makakatulong ang medical cannabis sa mga may sakit na cancer, glaucoma, seizure disorder at iba pa.

Nilinaw naman ng DOH official na hindi ito pabor sa pag-cultivate ng mga pananim na marijuana para sa farming at manufacturing.

Aniya, hindi gagawin dito sa bansa ang medical marijuana upang hindi mahikayat ang pagtatanim nito kayat mas mainam na imported ang medical marijuana upang madaling makontrol o maregulate.

Kung matatandaan kasi na noong nakalipas na Hulyo, natapos na ng Senate Health and demography subcommittee ang deliberasyon nito sa panukalang Medical Cannabis Compassionate Access act habang naghain naman sa panig ng Kamara si House Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ng isang panukalang batas na nagpapahintulot sa paggamit ng cannabis para sa medical purposes.