-- Advertisements --

Nanunga si Deputy Speaker Loren Legarda sa latest senatorial survey na isinagawa ng independent research group na OCTA.

Sa naturang survey, na isinagawa mula Marso 5 hanggang 10, nakuha ni Legarda ang 69 percent ng mga respondents.

Sinundan siya nina dating DPWH Sec. Mark Villar at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na mayroon namang 66 percent at 65 percent.

Nabatid na bukod sa survey ng OCTA, nanguna rin si Legarda sa Go Philippines Poll Survey matapos na makapagtala ng 71.80 percent.

Isinagawa naman ang non-commissioned survey na ito sa lalawigan ng Pangasinan hanggang noong Abril 2.