-- Advertisements --

Nananatili sa Number 2 spot si House Deputy Speaker Loren Legarda sa latest Pulse Asia Survey, na isinagawa mula Marso 17 hanggang 21.

Sa resulta ng naturang survey, nakapagtala si Legarda ng 98 percent awareness habang 58.3 percent naman ng 2,400 respondents ang bumoto sa kanya.

Mababatid na Top 2 rank din ang nakuha ni Legarda sa Pulse Asia Survey na isinagawa naman mula Pebrero 18 hanggang 23, kung saan nakakuha siya ng 58.9 percent sa mga respondents na nagsasabing iboboto siya sa darating na halalan.