Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya at kaanak ni dating House Speaker Prospero Nograles.
“I would like to extend my deep sympathies and condolences to the family of Former House Speaker Prospero Nograles. I am deeply saddened to hear his demise,” saad ni Pangulong Duterte sa isang statement.
Pinuri ng Pangulo, na may alitan dati kay Nograles, ang naging leadership ng dating Speaker.
“His legacy as a leader who used his voice to speak on behalf of the Filipino people will continue to inspire other politicians and leaders who are committed to serving their countrymen,” ani Duterte.
“May he find eternal peace and repose in the arms of our loving Father in heaven. It is also my prayer that the Lord Almighty ease your pain and that you will find solace and strength during this difficult time,” dagdag pa nito.
Si Nograles ay sumakabilang buhay kahapon, Mayo 4, sa edad na 71-anyos, ayon sa kanyang anak na si Cabinet Sec. Karlo Nograles.
Nauna nang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya Nograles ang Malacañang.
Tinawag pa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si Nograles bilang “pride of Minanao” na siyang isa sa mga “leading lights” daw ng mga political leaders sa nasabing rehiyon.
Ang lamay ni Nograles ay idaraos sa Chapel 1 Heritage Park, Fort Bonifacio, Taguig City simula ngayong Linggo, Mayo 5 hanggang bukas, Mayo 6.
Sa darating na Martes ay ililipad naman ang mga labi nito sa Davao.