-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Pansamantalang ipinasara sa pagtanggap ng pasyente ang Legazpi City Hospital, simula ngayong araw.
Kasunod ito ng pagpositibo sa COVID-19 ng isa sa doktor sa pagamutan.
Sinabi ni City Mayor Noel Rosal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang naturang doktor ang nagpositibo kasabay ng pagsasailalim sa swab test ng lahat ng hospital employees.
Ayon kay Rosal, mas mabuti na i-lockdown muna ang ospital sa mga pasyente para contact tracing at disinfection.
Nabatid pa mula sa alkalde na bumiyahe pa ang doktor patungong Maynila at nakapag-duty pa.
Samantala, hinihintay pa aniya ang pasya ng hospital director kung hanggang kailan ipapatupad ang lockdown.