LEGAZPI CITY – Wala pang natatanggap na show cause order mula sa Department of Interior and Local Government si Legazpi City Mayor Noel Rosal.
Kabilang si Rosal sa limang alkalde sa Pilipinas na umano’y lumabag sa prioritization list sa COVID vaccine, na dapat sana’y top priority ang health care workers.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rosal, sakali mang dumating na ang kautusan ay handa naman umano itong magpaliwanag.
Una nang sinabi ni Rosal kasabay ng pagpapabakuna nito noong Marso 16 na may “go signal” ang desisyon mula sa Department of Health (DOH) Bicol.
Muling iginiit ng alkalde na nilalayon lamang ng pagtanggap ng COVID-19 vaccine na mahikayat ang mga nasasakupan na magpabakuna rin bilang proteksyon sa kalusugan.
Pagbibida pa ng alkalde, tumaas ang bilang ng mga nais na tumanggap ng bakuna sa lungsod.
Maliban kay Rosal, pagpapaliwanagin din sina Tacloban Mayor Alfred Romualdez, T’boli, South Cotabato Mayor Dibu Tuan, Sto. Niño, South Cotabato Mayor Sulpicio Villalobos at Bataraza Palawan Mayor Abraham Ibba.