-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagpalabas na ang Supreme Court ng Status Quo Ante Order kaugnay ng disqualification ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal.

Dahil dito hindi pa kailangang bumaba sa pwesto si Rosal at hindi rin muna uupo ang papalit sana sa kanya na si Atty. Alfredo Garbin Jr.

Nakasaad rin sa kautosan na sa loob ng 10 araw kailangang magsumite ang mga respondents sa petisyon na sina Garbin, Joseph San Juan Armogila, Vice Mayor Oscar Robert Cristobal at ang Commission on Elections.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay dating Albay Governor Noel Rosal na asawa ni Mayor Geraldine, pinasalamatan nito ang desisyon ng Supreme Court at ang kanilang mga taga-suporta na walang sawang nagpapahayag ng suporta sa alkalde.

Panawagan naman nito sa publiko na maging mahinahon lang at ituloy ang normal na pang-araw-araw na buhay.

Nabatid na nasa isang buwan na intensive decision writing break ang Supreme Court kung kaya inaasahang sa Hunyo 13 pa muling magsisimula ang pagdinig sa petisyon ng disqualification case kay Rosal.